4th year college. nagsimulang maging busy ang kanya-kanya natin schedule. nagkataon na ako ang vice president at ikaw naman ang president ng ating section kaya madalas kapag may mga classroom activites, eh nagtutulungan tayong dalawa. isang araw bigla tayong sinabihan ng official school photographer na lumagpas na ang section natin sa schedule ng pagkuha ng grad pic ng buong klase at dahil ikaw ang presidente, ikaw ang nag-asikaso kung pano magagawan ng paraan ito at dahil nga isa kang magaling na presidente, nagawa mong isingit ang section natin ng araw na yun. isa sa ikinamamangha ko sa'yo, ma-abilidad ka sa mga ganyang bagay; isang katangian na wala sa akin.
habang unti-unting nawawala ang mga kaklase natin sa classroom, ako naman ay lumabas na din. sa aking paglabas, nakita ko ang boyfriend ko na nag-aabang sa akin sa corridor. dahil sa hindi ko na din siya madalas nakikita sapagkat nahiwalay tayo sa section nila pagtapak ng 4th year, eh nilapitan ko siya at naghagkan kami sa corridor. wala naman problema sa mga taong nasa paligid sapagkat lantad naman ang relasyon naming dalawa sa escuela. ikaw ang huling lumabas sa kwarto, tinitingnan kung may mga kaklase pa tayong natira. paglabas mo ng pinto, nagkatinginan tayo. nawala ang ngiti na naka-ukit sa iyong mukha. napalitan ng simangot na madalas ko makita kapag alam kong galit ka o kaya naman ay mainit ang ulo mo. habang pinagmamasdan ko ang sinasabi ng mukha mo, nakarinig na lang ako ng sigaw na mula sa'yo,
"ano ba jamir! di ba sabi ko bumaba na?? ano pa ginagawa mo diyan??"
pinagmasdan ko ang titig mo na biglang lumihis ng tingin para tingnan ang kasama ko. nagulat ako sa nangyari. nabastusan ako. sa dinami-dami ng mga kaklase ko na nakatambay sa corridor, ako lang ang sinigawan mo. sigaw na narinig ng lahat at napatigil sa kanya-kanya nilang ginagawa. nakaramdam ako ng galit. wala kang karapatan na pahiyain ako sa harap ng mga kaklase at kaibigan natin. "out of line" ang ginawa mo. sa aking galit, hindi ko na inisip ang bumaba pa. wala na akong pakialam kung magkakaron pa ko ng larawan para sa aking graduation. basta ang gusto ko lang ay umalis na sa escuela para hindi ko na masilayan muli ang galit sa mukha mo. pero dahil ako ang bise presidente ng klase, alam ko may obligasyon din ako na tulungan ka para sa kapakanan ng buong klase. wala din ako nagawa kundi ang sumunod sa lugar kung saan nandun ang school photographer.
sa aking pagdating, kitang-kita ko pa din sa mukha mo ang inis; lalo na ng nalaman mo na wala na akong balak magpakuha pa ng grad pic. inaamin ko, kaartehan ang inasal ko ng panahong yun pero ginawa ko yun bilang pagprotesta sa ginawa mong pagpapahiya sa akin.
unti-unting umusod ang pila ng ating mga kaklase habang unti-unting natatapos ang pagkuha ng larawan, maliban sa akin. habang naghihintay ako sa labas ng mga pasaway natin kaklase na hindi pa nakukuhanan, nasaktuhan na dumating ang isa sating kaibigan na nais kang makausap. ngunit dahil sa marami kang ginagawa, sa akin na lang niya ipinagbilin ang importanteng mensahe para sa'yo. at dahil sa wala na din naman ako magagawa, at hindi ko naman pwede sabihin na magka-away tayo, hinayaan ko na lang na ibigay niya sakin ang mensahe.
2nd to the last batch na ng ikaw ay lumabas mula sa studio. lima na lang ang natitira sa labas kasama ako. 'pag labas mo, medyo nahimasmasan na ang galit sa mukha mo. siguro dahil na din sa stress na dinulot ng photo shoot incident. nagdadalawang isip akong lapitan ka dahil na din sa takot na sigawan mo uli ako o di kaya'y hindi pansinin pero naglakas loob na din akong lumapit. nakatayo ka sa labas ng studio, tumabi ako sa gilid mo. bumulong ako sa kaliwang tenga mo,
"sorry..."
at dahan-dahan mong ninahan ang ulo mo sa balikat ko sabay tingin sa'kin at ngumiti. sa isang iglap, nawala lahat ang takot, kaba at galit ko sa'yo. napalitan ng saya at masarap na pakiramdam. parang gusto kong tumalon sa tuwa. nakita ko ang mga mata mo na wala ng halong galit at tampo. tanging pagod na lang dahil na din sa stress na dinulot sa'yo ng photo shoot. sa mga panahong yun, gusto kita akapin; ngunit dinaan ko na lamang sa pag-akbay sa balikat mo sabay pag-nahan din sa ulo mong nakasandal pa din sa balikat ko. ikaw ang unang nagsalita,
"pumila ka na. sayang naman kung wala kang grad pic."
at parang utos ng amo sa kanyang aso, sumunod naman ako ng walang pag-aatubili. maghahapon na din yun, at alam ko ay may lakad ka pa nun. pero kahit ma-late ka sa lakad mo, hinintay mo akong matapos at makapagpakuha ng litrato. tinulungan mo pa kong mag-ayos ng buhok ko para naman magmukha akong graduating student talaga. natapos ang araw ng magkasabay tayo naglalakad patungong gate. at doon kinita ko ang boyfriend ko habang ikaw naman ay pumara na ng bus para makahabol sa lakad mo.
kinagabihan, nakareceive ako ng text message mula sa'yo. isang patanong na mensahe:
"bakit mo ginawa yon?"
"ang alin?" reply ko.
"yung mag-sorry..." mabilis niyang pag-reply.
"ah..eh kasalan ko din naman kasi hindi agad ako bumaba para tulungan ka."
hindi na siya nagtext. hindi ako makatiis at tinext ko siya,
"nagalit ka ba talaga kanina o nagselos ka?"
" : )" ang simpleng reply niya.
biglang kinalabit ako ng kasama ko sa sinehan,
"sino yan?" ang tanong ng boyfriend ko.
"ah wala, ate ko." ang mabilis kong alibi.
6 comments:
huwow... haha ang saya naman katext ng ate mo. haha
oh, what a nice love story.... mature and has a sense of responsibility to one another...
parang pag may mga ganyang istorya.. yung obvious na ba, parang may mga masarap batukan to the hightest level.. para matauhan. haha
p.s lumipat na ko. we're neighbors na. find me.ha!
nice alibi, by the way. :p
hayyy kinikilig na naman ako...
may ganung banat:
"nagalit kba tlg knina or nagselos k?"
good question haha!
and safe answer. :)
nice...ganda ah!
Post a Comment