Minsan napapagod na din ako mag-isip. Nagpapatong patong na yung mga gawain para sa school to the point na nawawalan na ko ng oras para sa ibang bagay particularly sa mga kaibigan at pati na din sa pamilya ko. These past few weeks, ang nagiging weekend na lang talaga ay ang Friday night. Pero dahil physiology ang subject ko every Friday, at kadalasan ay puyat ako ng araw nay an, i just choose to go straight home and sleep or if permitted, hibernate.
alam ko ginusto ko ang kurso ng medisina pero minsan pumapasok sa isip ko ang tanong “am i really up for it? For the challenge?”. May ilang beses na din naman kasi ako napapahiya sa klase dahil hindi ko nasasagot yung mga tanong ng professors ko at kadalasan dinadaan ko na lang sa tawa. Defense mechanism ko ang pagtawa kumbaga. Pakiramdam ko nga, no one among my classmates take me seriously anymore. Pakiramdam ko i’m the class clown. At bilang isang clown, natural lang na maging masayahin sa panglabas pero pag sa tototoong nararamdaman, ibang usapan na yan.
Sa ngayon, nangangapa pa ko sa daan na pinili kong tahakin. Naninibago pa din sa bagong environment na kung asan ako ngayon. Naaalala ko dati nung college, i was always at the top of my class. Heck, i even graduated with honors, pero ngayon i really feel down. Grabe pala ang competitiveness sa medisina. Kumbaga sa mga magnanakaw, kapit sa patalim ang labanan. Nakaka-suffocate, nakakabaliw at nakakalungkot.
Kailangan ko ng lakas ng loob. Pwede ba mabili yun? Kahit tatlo isandaan bibilhin ko. Pasama na din ng faith, hope and courage. Sana may online site na pwede ma-purchase ‘tong mga ‘to just to get through my everyday med life. Nalulungkot na ko eh, naubos na yung paghahanap ko ng silver lining sa bawat not-so-good scenarios i’ve been through.
On another note, i just found out that this guy i like for so long is already in a relationship. I texted him about it and asked if it was true (since i only knew about it through FB) and he replied “yes”. And all that i can mutter to reply back is this, “i’m happy for you mr barista. See you around.”
Oh the irony of love – it hurts that you just don’t want to deal with it anymore no matter how sweet the feeling of love is.