“what factors causes increase acidity in the stomach?”
Isip muna ko kahit nasa harapan na ko. Siyempre hindi ko naman memorize ang buong libro para masagot agad yun instantaneously at last time i checked, wala din naman ako photographic memory. That few seconds reminded me again how much pressure i’ve put myself into by entering med school. Binabalikan na naman ako ng mga thoughts ko to back out on medicine. Natatakot kasi ako sa failure. Imagine, i know i prepared for it as in effort kung effort sa pagbasa sa kung anong dapat basahin, pero for what? Para sa 2 out of 10 na grade? Sleepless nights spent for a measly grade of 2. Ang saya diba? Nahiya pa yung prof ko at binigyan pa ko ng 2 eh.
Hindi talaga ko magaling pagdating sa mga oral revalida. Nung college naman ako eh hindi ako nakaranas ng ganito kasi wala naman kaming oral revalida in the first place. Pero hindi ko din naman masasabing bago pa lang sakin ang ganitong activity dahil simula first sem pa lang eh sinabak na kami. Pero of all the lab conferences that we had, i always manage to fail. Ang hirap kasi hindi ko naman talaga master yung buong libro, sana konting consideration man lang na pwede sumilip (kahit silip lang ) sa notes. But nooooooo, out of the 90+ slides that we prepared, we were only able to use 5 slides, mostly graphs lang. Oh dba kamusta naman sa effort dba, parang sana hindi na kami nag-effort gumawa ng ibang explanation.
Ganun ba talaga sa medisina? Expect the unexpected. Eh pano yan, i damn hate surprises. Hate them. Despise them. Kailangan daw quick thinker, eh hindi din naman ako ganun. Ano ba, pumasok ba ko sa institution na ipopoint out sakin kung ano ang wala sakin at kung pano ko ikababagsak ito? Ang saya saya naman.
Kung ang grade ko ay isang ecg reading, flat line na ko. Code blue na. Or baka hindi na kailangan mag-code blue. Time of death na ba agad?
‘wag naman sana.